Makakaramdam at makakaramdam ka rin talaga ng pagod.. sa lahat ng bagay.. stressed from office to circle of friends.. tama talaga yung sabi nila na hindi maiiwasang meron kang tinuturing na kaibigan pero ikaw lang tumuturing na kaibigan sa kanya, nandyan kapag pagmasaya.. o pagmay kailangan..
marami akong kaibigan.. minsan nga lang iniisip ko kung ilan ang totoo sa kanila.. nakakalungkot rin kasi kung marerealized mo ilan lang talaga ang totoo..
naisip ko lang.. may itinuring akong kaibigan pero kapag nakatalikod ako.. from head to toe may sinasabi sya, until i feel like stock on a non-sense friendship that we build ever since we were young.. ayoko na pagod na'ko.. hindi ko na sya matatanggap bilang kaibigan.
minsan naman, lahat ng pwede mo itulong gagawin mo.. pero inaabuso ka naman.. minsan mo bigyan, lagi ka ng hihingan, pautangin mo ikaw pa lalayuan kahit di'mo naman sinisingil.. pinahiram mo na, sisirain pa o hindi na ibabalik.. para bang pareho ang meaning ng hiram at hingi.. yayayain ka kumain o uminom yun pala ikaw ang taya dahil ikaw ang may trabaho.. nakakaloka.. makatampuhan mo lang ng konti, ikaw na ang pinakamasamang kaibigan dahil sa sumbat na sya mismo ang nagsabi dahil lang may utang na loob sya sayo.. san ka pa.. ang hirap din ng papel na m aging kaibigan.. para kang kinasal sa maraming tao.. ang hirap pa.. hindi mo alam kung pareho ba talaga kayo ng turingan.. kagaya ko.. once i become friend to a person.. i treasured him or her, kaibigan ko na sya for the rest of my life.. that's how i valued a friend, attached na sya sa buhay ko.. kya sobrang sakit kapag naramdaman ko na sayang lang ang lahat ng oras at panahon.. mauuwi lang sa wala.. kapag nakaramdam na'ko ng ganon.. unti-unti ko na syang buburahin sa sistema ko dahil alam kong hindi na maibabalik ng ngayon ang dapat noon pa.. so far dalawa pa lang naman sila.. hanggang don nalang sana..
pero blessed parin ako sa mga kaibigan, iba-iba kasi sila.. merong mga formal na kaibigan,yun tipong sobrang titino.. pero pagdating sa gimikan at gastusan game na game.. meron ding pang session na kaibigan.. laging game basta inuman, pero kahit ganon, sila ang tipo ng kaibigan na kapag nakakita ng pagkain o anumang bagay na paborito mo.. ibibigay sayo..nakakatuwang isipin na naalala ka sa simpleng bagay na gusto mo.. meron ding ilang mga kaibigan na parang si joe d mango kung magpayo basta usapang pag-ibig.. para bang experts na experts sila.. pero ang totoo.. sila yung grabe kung masaktan, grabe kung umiyak.. hirap mag move on.. sasabayan mo nalng sa pag iyak.. tapos syempre meron ding friends na bestfriend dw.. sila naman ang kaibigan na inaalagaan ka para maging girlfriend ka at kapag hindi nangyare ang gusto nawawalang parang bula, pero kung may ganon.. meron ding kaibigan na totoong may mutual feelings kayo pero takot kayong nasira ang friendship hanggat maari magkaibigan lang kayo kasi ayaw nyong mawala ang isa't isa.. sayang kasi kumportable kayo sa isa't isa.. yun naman ang love na hindi humihingi ng kapalit.. yung iba mo namang kaibigan sila yung nagpapasaya sayo kapag malungkot ka.. yun tipong sobrang joker.. wala ng sense ang sinasabi mapatawa ka lang.. sila yung kaibigang pampatanggal ng stress..pero the best parin talaga ng friend mo na kasama mo sa kahit ano mang pangyayare sa buhay, yun tipong kahit kahihiyan na ang nangyayare jamming parin kayo.. hahaha! kung iisa isahin ko pa yung mga klase ng kaibigan ko haaaay... mamamaga ng daliri ko.. hehe! basta madami sila.. maaring kulang pa talaga to.. pero hangad kong malaman nilang super blessed ako.. anumang uri ng kaibigan sila.. sila ang nagdadagdang ng kulay sa mundo ko..
No comments:
Post a Comment