Monday, March 16, 2009
maskara!
Ang tao talaga ibat ibang klase.. Mdalas nde mo mkikita ang katotohanan sa buhay nila hanggat hindi mo sila lubos na nakikilala.. May nga taong kung titignan mo ay wlang bahid ng problema ang babakas sa kanilang mukha! At kung mayron man hindi mo iisiping sing bigat o mabigat pa ito sa dinaranas ng iba.. Mukhang mapayapa at maayos na nabubuhay! Hinahangaan at kinaiinggitan ng iba.. May mga gamit o bagay na pinapangarap ng iba.. Mga ngiting nakaaaliw, Halakhak na walang pakialam.. Pero sa likod ng mga ‘yon nagtatago ang kalungkutang dulot ng minamahal.. at pagmamahal.. Sakit na tanging sya lang ang nakadarama at sa tuwing mapag-iisa ay hindi mapigilan ng mga luhang kumawala sa mga matang walang ibang nais na makita kundi ang pag sikat ng araw na wla na ang pasakit na dinaranas ng pusong sugatan! Ano? Saan? Kailan? Bakit? ‘ yang ang simula ng mga tanong na naglalaro sa kanyang isipan na pilit hinahanapan ng kasagutang aayon sa nais nyang mangyari kahit sa puso nya ay alam nya ang tunay na kasagutan.. Hanggang sa makadama ng pagot at makatulog! Sa muling pag-gising… Naroon muli ang mga ngiting handing ibigay kanino man.. May maskarang nabuo upang protektahan ang sarili at ang mga minamahal.. Humahanga ako sayo.. Sa paraan ng pag-galang, pagmamahal at pag-intindi mo..Kahit mahirap ay nagagawa mong tumayo ng tuwid! Hindi ka nawawalan ng tiwala sa Diyos.. Mabuti kang tao.. mahal ka ng Diyos.. Alam nyang kaya mo ang lahat ng iyan.. may dahilan ang lahat.. hangad ko ang kaayusang tanging pinapangarap mo.. Sasabayan kita sa pagdarasal hanggang sa matupad ang mga ito.. at hanggang sa makita ko ang mga ngiting nagpapakita ng tunay na sayang nanggagaling sa iyong puso at hindi sa isang maskara..
Labels:
jst thinkng..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment