Haaaay.. ganon ba talaga kahirap ang magmahal.. kailangan ba masaktan ng lubusan upang maranasan at malaman mong marunong kang magmahal. Pagtitiis ba sa sakit na dinudulot ng minamahal ang nagpapatunay kung gaano mo sya kamahal.. Tunay ba ang pagmamahal kung nagagawa mong saktan ang taong sinasabi mong mahal mo at mahalaga sayo??
Sa inyo na mga nagsasabi sa akin na ”Hindi ko kaya.. mahal na mahal ko sya” Tama bang tanggapin nyo nalang ang sakit/pasakit sa ngalan ng pagmamahal na sinasabi nyo?? Hindi ba dapat mahalin nyo rin ang sarili nyo.. para mahalin at irespeto rin kayo ng mga minamahal nyo? Sapat ba na halos burahin nyo na ang pagkatao nyo para lamang sa taong mahal nyo?? Ganon ba ang kahulugan ng pagmamahal?? Sa una lang ba dapat may saya??? Ang hirap pala…
Oo naman alam ko.. hindi lahat ng nagmamahal ay dumaranas ng katulad ninyo.. Marahil hindi ito ang tunay na pagmamahal at kung totoo man ito.. siguro dumaranas lang kayo ng matinding pagsubok na siguradong malalampasan nyo rin balang araw.. Pero kung hindi? Paano na? Ganon na lang ba ‘yon?? Siguro ganon na nga lang yon.. Sabi nga nila may dahilan ang lahat at malalam mo lang ‘yon sa tamang panahon.. Kailangan lang siguro na tumayo ka sa tuwing madarapa hanggang sa tamang panahon na darating ang taong tutulong sayong tumayo at hindi na hahayaang muli kang madapa ng nag-iisa..
No comments:
Post a Comment