Saturday, August 31, 2013

THE LATE BLOOMER - Chapter III


First love and Real Love



After the reunion they parted ways.. balik sa kani-kanilang buhay at trabaho.

Habang nag-aayos ng displays sa botique si Jilian isang lalaki ang nagtanong sa kanya

“Miss, can I try this one?
“Ahm.. Sorry Sir, Ladies shoes lang po ang ino-offer namin wala pong panlalaki (habang hindi nakatingin)
“Ahh ganon ba? What about dinner with you tonight pwede ba yun? Babae ka naman at para ka sa lalaki right?
“po?

Pagharap ni Jilian ikinagulat nya kung sino lalaking nasa kanyang harapan, ganoon din ang naging reaksyon ng lalaki ng makita ng tiyan ni Jilian

“Edward? Wika ni Jilian
“Ang laki ba ng pinagbago ko Jilian, at kahit boses ko hindi mo na naalala?
“hindi ko kasi ineexpect!
“Kamustah? Nag-asawa ka na pala..
“Ayos lang, kamusta ka na? paano mo nalamang nandito ako?
“Matagal ko ng pinipilit sina Karina na sabihin sakin kung nasan ka, pero ayaw nilang amining alam nila kung nasan ka.. pero napilit ko rin sila nitong huli!
“Ganon ba.. san ka ngayon?
“Kauuwi ko lang galing Singapore
“Talaga.. ang galing naman
“Dahil sayo yun!
“Ha?
“Iniwan mo kasi ako?
“Ano ka ba?
“Totoo yun.. basta mamaya nalang natin pag-usapan!
“mamaya?
“oo, alam kong pupunta ka sa despedida nila Karina mamaya, kaya sabay na tayo.. at wag mo’ko tatanggihan, ngayon lang tayo ulet nagkita”
“Ok fine.. sabi mo eh!

Sa despedida party

“Hi everyone (pagbati ni Jilian sa mga kaibigang naroon)
“Wow.. namiss ko’tong moment na’to guys.. ang makita sina Edward at Jilian together.. I’m so happy, its good to see the two of you again. Wika ni Karina
“Oo nga guys, bagay na bagay parin kayo.. –wika ni Teo asawa ni Karina
“Ano ba kayo.. baka magalit asawa ni Jilian. – sagot ni Edward
“Asawa? Kelan pa nagka-asawa yan, e nakiki-in lang yan sa mundo, kumbaga na-ano lang..hahaha –wika ni Ted na naging tulay ng relasyon nila Jilian at Edward noon
“Uhmm (binatukan si Ted) mapang asar pa rin.. –Jilian
“Aray ha! Joke lang naman, wag ka na magalit magiging kamukha ko yang baby mo sige ka –Ted
“Wala kang asawa? –Edward
“Bakit tinanong mo ba’ko kung may asawa ko? –Jilian
“Yihi.. baka ikaw na ang magiging tatay ng Baby nya –Ted

Katahimikan ang naganap ng biglang yakapin ni Edward si Jilian sa harap ng mga kaibigan at magwika “Nung makita kitang buntis kanina, parang gumuho ang mundo ko! Akala ko wala na’kong pag-asa”

“Ui, bitiwan mo’ko wag ka gumawa ng eksena.. nakakahiya, pinagtitinginan nila tayong lahat –Jilian
“Im sorry, natuwa lang talaga ako –Edward
“Haaay.. na’ko guys tama na ang moment na yan.. kumain na muna kayo.. lalo kana Jil, buntis ka pa naman ba’ka malipasan ka ng gutom –Karina

Nang gabing yun nagbalik ang dating masasayang araw ng magkakaibigan, maging ang mga dating magkakarelasyon muling nagkasama-sama, kasama na roon sina Jilian at Edward.  Simula rin ng gabing iyon nagpasya si Edward na gawin ang lahat upang magkabalikan sila ni Jilian, handa rin itong maging ama sa anak ni Jilian.

Si Rafael sa opisina

“Good morning Sir, Can I come in? wika si Stacey (dating niligawan ni Rafael, at kasamahan nya sa trabaho ngayon)
“Yes, Ms. Lopez, what can I do for you?
“Ang formal mo naman Raffy, tayo lang namang dalawa dito
“Nasanay lang siguro.. ano ba yun?
“I just like to remind you our dinner tomorrow night
“Tomorrow night? For what? (Habang nagla-loptop)
“Its my birthday, dati rati ikaw ang unang nakakaalala tapos ngayon nakalimutan mo?
“Oh.. I’m sorry, marami lang iniisip lately
“Ok..  Don’t forget ha
“Sure.. I’ll see you

Sa dami ng gadget ni Raffy, laptop nalang ang lagi nyang upang tignan ang mga post and pictures ni Jilian, lagi pa nya itong inaabangang online, Makita lang nya ang online name ni Jilian natutuwa na sya, hindi naman nya maichat dahil baka magalit ito, naalala nya dati na pag online sya nagha-hi si Jilian sa kanya pero hindi nya nirereplayan! Tapos eto sya ngayon.. nag aabang na pansinin ni Jilian. Hanggang sa ym online lumabas ang pangalan ni Jil.

iJilianMOko: hi
RaffaelRazon: hello (dali-daling reply ni Raffy)
iJilianMOko: muztah?
RaffaelRazon: im ok, hw r u?
iJilianMOko: sexy parin
RaffaelRazon: I don’t think so..
iJilianMOko: tse
RaffaelRazon: Just kidding
iJilianMOko: sign out

naasar si raffy dahil sandali lang sila nakapag usap, pero kahit papano nakaramdam sya ng saya dhil nakausap parin nya si Jilian. Ayos na sana si Raffy ngunit nakaramdam sya ng galit ng Makita nya ang naka-Tag na picture kay Jilian. Si Jilian kasama si Edward. Agad nya tinawagan si Mark upang kunin ang number ni Jilian.

Inis na inis si Raffy sa nakitang picture!

“Hello..” Jilian answer the phone!
“Hoi Jilian Sebastian bakit may picture kang kasama ang Edward na yun? Nagkabalikan naba kayo? Pano ang anak ko? Sya ang magiging ama? Hindi ako papayag! Kukunin ko ang anak ko!
“What? Who are you?”
“Hoi wag kang magtanga tangahan ako to si Rafael Razon ang tatay ng anak mo?”
“Sira ulo ka pala eh! hindi mo to anak.. pinsan ka lang ng pinsan ko, yun lang ang pagkakakilala ko sayo, akin lang to! Remember? Wag mo’ko pakialaman”

 may sasabihin pa sana si Raffy ngunit binaba na ni Jilian ang telepono at hindi na ito macontact ni Raffy. “Damn bullshit that girl! So stupid!” wika ni Raffy

After that talk, sobrang nainis sya sa ginawa ni Jilian, ngunit sadya ring mapag laro ang tadhana, ihahatid na sana ni Raffy si Stacey matapos ang dinner nila, ngunit nakita nya si Jilian na papalabas na ng mall na pinagtatrabahuhan nito.

“Stacey.. Hindi na kita maihahatid I’m sorry, magtaxi ka nalang –Raffy
“What? I thought were going somewhere pa?
“Please Stacey.. Just get out in the car
“Raffy? Are you into something, bakit mo’ko ginaganito?
“I’m sorry I don’t have time to argue with you.. just go.. please!
“Fine! Stupid!!

Nagmadali si Raffy na maitapat ang kotse sa mismong pinag aabangan ng Jeep ni Jilian

“Hi Jilian –Raffy (habang nasa loob ng kotse)
“Raffy? -Jilian
“Good to see you, pauwi ka na? -Raffy
“Hindi papasok pa lang, nakita mo na ngang pasara na ang mall eh diba?
“sumabay kana sakin..
 “Ayoko!
“Fine! But im telling you, mahihirapan kang makasakay dito..
“Pakialam mo ba?
“Bakit ka ba nagagalit sakin? Nagmamagandang loob na nga ko sayo, sinusungitan mo pa ko..
“Kapag nakikita ko kasi yang mukha mo naalibadbaran ako..
“Ahh talaga? What do you think of your face? Kaiga-igaya?
“Hindi.. kaasar kaasar, hindi ba halata,
“Come on.. get in.. ba’ka tuluyan akong maasar sayo at ipagkalat ko sa mundo na ako ang tatay ng ipinagbubuntis mo! Try me!
“Shhh.. ang boses mo naririnig ka ng mga kasama ko
“Get in the car.. oh sisigaw pa ko na ako ang nakabuntis sayo?

Wla nang nagawa si Jilian kung hindi sumakay sa sasakyan ni Rafael.. Sa loob ng sasakyan hindi iniimik ni Jilian si Rafael..

“San ka bababa? –Raffy
“Dito.. bababa na’ko! Kasasakay lang ibababa agad? –Jil
“What’s your problem? Maayos kitang kinakausap ha.. tigilan mo’ko ng kasungitan mo na yan.. iuwi kita sa condo ko eh
“Oh.. kanina isasabay mo lang ako, ngayon iuuwi mo na ko? Ikaw ang anong problema mo?
“Hindi ka ba talaga makakausap ng maayos?
“Ok fine.. naaasar ako sayo.. akala mo ba nakakatuwa para sa isang buntis ang makatanggap ng tawag sa isang lalaki na imbes kamustahin ang anak nya eh pinagsisigawan ako sa telepono, first time lang tatawag naninigaw ka pa na para bang asawa mo’ko na niloko kita!
“Bakit niloko mo naman talaga ako ahh
“Anong niloko?
“Sabi mo gusto mo lang ng anak.. tapos makikita ko sa fb kasama mo ang first love mo
“Kasama ko? Hindi ba pwedeng nagkataon lang na pareho kaming imbitado sa despedida ng pareho naming kaibigan? Saka hindi ko kailangang magpaliwanag sayo.. Isa pa hindi kita asawa..
“Talaga, gusto ko lang ng maliwanag na usapan, hindi pwedeng magkaron ng ibang ama ang anak ko.. saka hindi mo talaga ko asawa at magiging asawa dahil hindi kita type!
“Talaga? Kaya pala nung gabing yun hindi lang isang beses may nangyare satin
“Bakit ako lang ba may gusto non? Ginusto mo rin yon.. nag enjoy ka nga diba?
“Ang galing mo rin eh noh! Kapag kalokohan ako  ang may kagustuhan.. akala mo ba type kita? Muka mo
“Talaga namang type mo’ko di’ba? Noon ka pa nagpapapansin sakin?
“Ang kapal ng mukha mo.. 
“Come on Jilian you know the truth.. Pa’no naman kita magugustuhan? Imbes na mag aral ka non, at matuto ng tamang English, mas gusto mo pang tumabay, kaya ayan tiganan mo sales clerk ka lang sa mall ngayon? Pano naman papatol sayo ang isang Executive na tulad ko? Hindi lang yon.. hindi ka na nga magaling sa school sana manlang libro nalang binabasa mo instead na showbiz magazine? You see difference? Or pwede namang bumawi ka nalang sa katawan, maayos ayos sana katawan mo non at hindi payatot na mukhang lampa kung marunong kang kumain ng gulay.. kain na nga lang ang alam mo gawin hindi pa gulay! Wala ka laging alam.. Pana’y trip at patawa mo.. lagi mong ginagawang kalokohan ang lahat.. hindi ka’na nagmatured!
“Excuse me, Pero hindi porket may gusto ko sayo dapat gustuhin mo na rin ako, hindi ko naman pinipilit yung sarili ko sayo diba?
“Exactly! Hindi mo pilipit sakin yung sarili mo.. but everyone in this world know’s how you feel for me.. kayang kaya mo isigaw sa mundo na gusto mo ako.. pero sakin hindi mo masabi ng harapan! And iniiwasan mo’ko at hindi mo’ko kinakausap!
“Bakit kapag sinabi ko ba sayo, sasabihin mong gusto mo rin ako?
“Well atleast try!
“Tapos ano? Mapapahiya ko sayo dahil hindi ako yung tipo ng babaeng gusto mo?
“Damn bullshit that reason! How can you even know if don’t try! Yeah your not sexy, hindi matalino and everything but
“ano? (pagsingit ni Jilian sa sinasabi ni Raffy)
“Forget it!
“Tapos ka na ba? (habang tumutulo ang hula) Mukhang marami kang balang panlalait sakin ahh.. sorry hindi ako handa, hindi ko kayang tumawa lang sa mga sinasabi mo ngayon.. kung hindi ka pa tapos, pwede ba sa ibang araw na lang yung iba.. 
“Jil..
“Ano? Dahil umiiyak na’ko titigil ka? Magsosorry ka?
“Jil.. I did’nt mean to hurt you..
“Wow? Talaga?.. ano yung mga salitang yon? Para matuwa ako.. pasensya ka’na.. mahina nga ako di’ba? Hindi ko na-gets na dapat pala matuwa ako..  dahil sa ang dami mong pwedeng malaman sakin yung mga bagay pa na hindi ko kayang gawin?.. salamat ha.. salamat sa pang mamaliit mo sakin..

Matapos ang pag-iyak na iyon ni Jilian, katahimikan lamang ang tanging namagitan sa dalawa hanggang sa maibaba ni Raffy si Jilian sa tapat ng tinutuluyang bahay..

“Jil.. I’m sorry.. -Raffy
“Totoo lang naman ang sinabi mo.. yun naman talaga ako eh..
“But I really did’nt mean to.. you know.. hindi ko alam na ganon yung kalalabasan non?
“Sige na.. umalis ka’na bago ko isiping stalker kita dahil alam mo ang bahay ko kahit hindi ka pa nakakapunta dito..
“Ha? Ahh.. i.. I used to.. to.. you know.. I’m workin’ ..
“Ok lang.. wag ka na magpaliwanag.. Umuwi ka na..

Nakuha pang magbiro ni Jilian ng mga oras na yon, ngunit pagtalikod nito papasok ng bahay ay muling tumulo ang luha nito, ramdam na ramdam parin ang sakit ng mga salitang binitiwan ni Rafael sa kanya..  Pagbukas nito ng pinto nga bahay, ang pinsang si Caren ang nadatnan.

“Jil, why are you crying? –Caren
“Wala.. napuwing lang ako.. Pa’no ka nakapasok dito?
“Napuwing? Meron bang napupuwing na walang tigil ang luha?
“Wala toh.. Paano ka ba napasok dito?
“Tinanong ko kay Jake kung nasa kanya pa yung duplicate ng susi nyo dito, sabi ko kasi malakas ang ulan hindi na’ko makakauwi sa bahay kaya dito na’ko didiretcho.
“Mabuti naitabi pa nya yung susi nung dito pa sya nakatira..
“Ou nga eh.. ang tagal narin non.. teka ikwento mo sakin kung bakit ka umiiyak

Ayaw man magsalita ngunit dala ng sakit na nararamdaman, walang ibang nagawa si Jilian kung hindi ilabas ang sama ng loob na naramdaman kay Rafael..

“Ano bang nangyare? –Caren
“Nag-away kasi kami ni Raffy
“Raffy? As in Rafael? My cousin?
“Ou,..
“Ha? Kelan pa kayo naging close at nag-aaway pa kayo ngayon?
“Naisabay nya kasi ako kanina.. Wala lang siguro nung nag-uusap kami naasar nanaman sya sakin kya kung anu-anong pinagsasabi nyang masasakit na salita sakin (Tumutulo na ang luha) pero wala yon
“wala yon pero umiiyak ka!
“wala yon, Ano naman kung hindi ako magaling mag English katulad nyo? Kung hindi man ako matalino, siguro naman wala na syang pakialam don! Kung showbiz magazine ang binabasa ko kesa reader’s digest, choise ko yun! Karapatan ko yon.. anong problema nya sakin! Kung hindi nya ko gusto.. so what???? Hindi ko pinipilit yung sarili ko sa kanya noh! Kya hindi nya ako kailangang sabihan ng kung anu-ano at ipamukja sakin kung gaano kahina ang utak ko, o kumakain lang ang alam ko gawin hindi pa gulay.. Hindi ko naman sya pinakikialaman kung mas gusto nya kausap ang mga gadget kesa tao! Hello!! Kung maka-arte sya as if fashionista sya.. ang baduy baduy kaya nya! and for his information.. Millennium na, hindi pa ba nya name-meet ang contact lence! Napakasama nya.
“Tama na Jil.. naintindihan ko na.. wag ka ng umiyak..makakasama yan sa baby.. Humanda sakin yang si Raffy..
“Wag na.. wag mo na syang awayin.. lalaki pa yung issue eh
“Pero hindi tama ang ginawa nya, wala syang karapatang saktan ka ng ganon
“Please?.. wag na nating palakihin to
“Si Raffy walang alam sa buhay yon.. sarili lang nya at gadget nya ang inaatupag nya! Kaya wala syang karapatang magsalita sayo ng ganon
“Pero tama naman ang mga sinabi nya kya hayaan mo na please..
“Ok fine, pero promise me.. the next time na magkaron kayo ng pagtatalo na ganyan ni Raffy.. lumaban ka.. fighter ka ok! Wag mo hayaang gaganyanin ka lang nya.. matatag ka.. College pa lang nakabukod ka na.. nagtatrabaho habang nag-aaral.. sating magpipinsan ikaw lang ang dumaan sa ganyang buhay.. kaya iba ka.. ok?
“Ou na.. ako lang din ang nabuntis ng walang ama.. hehe

“Ikaw talaga.. ako pang pinapatawa mo.. halika na.. kumain na tayo.. marami akong dalang pagkain para sa inyo ni Baby..


TO BE CONTINUE..

No comments:

Post a Comment