Tuesday, July 30, 2013

Bigla kita namiss

Kamusta ka na Julius? ang tagal na nung huli tayong nagkita... binata ka pa non.. masaya ka kya ngayon? siguro oo.. may asawa at anak ka na kasi.. paminsan minsan naalala parin kita.. pati lahat ng kabaliwan na ginawa ko non sayo.. ikaw yata talaga ang first love ko eh! hindi rin ako makasiguro.. pero sigurado ako, you once occupied a biggest part in my heart! minsan naiisip ko kung pinatulan ko kya ang trip mo non.. kung hindi kya ako nagalit.. ano kayang nangyare? naging maayos kya ang lahat para satin.. pakiramdam ko non.. nagsisimula na tayo.. pero ang bilis natapos.. tapos wala na.. ano bang nangyare sating dalawa? bakit hindi tayo nagtuloy tuloy.. siguro.. ahh.. ayoko ng isipin kung bakit.. wala rin namang mangyayari.. taken kana.. naisip lang talaga kita ngayon.. alam mo na.. ikaw lang naman talaga ang dahilan noon kung bakit ako nagsusulat ng diary, ikaw rin lang naman ang madalas kong sulatan noon, hindi ko nga lang binibigay sayo.. nalala ko.. drugs pa nga ang tawag ko sayo.. ikaw kasi ang drugs ng buhay ko.. hindi ko akalain na madali rin ako makaka-move on sayo.. hindi lang siguro talaga ako mahilig sa taken.. kaya nung mag-asawa kana.. kusang nawala ang feelings ko sayo.. masaya lang minsan isipin kung paano ko naloko sayo noon, siguro kung maaalala mo pa ang kalokohan ko sayo noon matatawa ka rin.. ang mga barkada ko noon, hanggang ngayon naaalala ka parin.. kapag kwentuhan tungkol sa mga naging crush ikaw ang naalala nilang crush ko.. pati yung theme song ko sayo naaalala nila.. "Pagdating ng panahon.. ba'ka ikaw rin at ako.. Ba'ka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo.." hindi nga lang nangyare ang kantang yon para sakin.. ang layo mo na eh.. nang narating mo.. isa ka ng architech.. may asawa at anak na.. masaya ka na siguro, buo ng pagkatao mo.. kahit papa no masaya na rin ako para sayo.. kasi may direksyon na ang buhay mo.. sana sa susunod na magkita tayo.. ibang Julius at Jonai na tayo.. yung tipong matured enough to handle situation, maging magaang ang pagkikita natin.. parang long lost friend, walang mabigat na namamagitan.. 

Nasira ang laptop ko.. basag ang monitor.. mas malungkot pa'to sa pagkawala mo julius sa buhay ko.. waaaaaah.. huhuhu... crying much! 

Monday, July 29, 2013

heal my heart and my mind

Bakit kaya hindi mawala ang galit sa puso't isipan na naramdaman ko nitong mga nagdaang linggo, hindi ako maka-move on sa galit na naramdaman ko, siguro talagang ganon kapag nasaktan ka talaga... ang totoo, alam ko naman na ganon talaga sila.. akala ko rin tanggap ko ng ganon talaga sila, yun pala darating parin ang araw na makakaramdam ako ng galit.. yun tipong handa na talaga akong talikuran sila at patulan sila kung magkakaroon ng pagkakataon, hindi ko sigurado kung kaya kong pigilan parin ang nararamdaman kong galit, hindi ko rin alam kung gusto ko talaga ang mga pangit na salitang lumalabas sa bibig ko ngayon, basta ang alam ko.. ginalit talaga nila ko.. siguro hindi ko lang matanggap na sa kabila ng mga pinakita ko at itinuring ko sa kanila.. ganito pa ang kaya nilang gawin sakin.. nadissapoint lang talaga siguro ako.. haaaaay.. sana lumipas narin ang galit na nararamdaman kong ito.. hindi ito healty.. stress to...

Wednesday, July 17, 2013

A simple moment to my friends

Makakaramdam at makakaramdam ka rin talaga ng pagod.. sa lahat ng bagay.. stressed from office to circle of friends.. tama talaga yung sabi nila na hindi maiiwasang meron kang tinuturing na kaibigan pero ikaw lang tumuturing na kaibigan sa kanya, nandyan kapag pagmasaya.. o pagmay kailangan.. marami akong kaibigan.. minsan nga lang iniisip ko kung ilan ang totoo sa kanila.. nakakalungkot rin kasi kung marerealized mo ilan lang talaga ang totoo.. naisip ko lang.. may itinuring akong kaibigan pero kapag nakatalikod ako.. from head to toe may sinasabi sya, until i feel like stock on a non-sense friendship that we build ever since we were young.. ayoko na pagod na'ko.. hindi ko na sya matatanggap bilang kaibigan.



minsan naman, lahat ng pwede mo itulong gagawin mo.. pero inaabuso ka naman.. minsan mo bigyan, lagi ka ng hihingan, pautangin mo ikaw pa lalayuan kahit di'mo naman sinisingil.. pinahiram mo na, sisirain pa o hindi na ibabalik.. para bang pareho ang meaning ng hiram at hingi.. yayayain ka kumain o uminom yun pala ikaw ang taya dahil ikaw ang may trabaho.. nakakaloka.. makatampuhan mo lang ng konti, ikaw na ang pinakamasamang kaibigan dahil sa sumbat na sya mismo ang nagsabi dahil lang may utang na loob sya sayo.. san ka pa.. ang hirap din ng papel na m aging kaibigan.. para kang kinasal sa maraming tao.. ang hirap pa.. hindi mo alam kung pareho ba talaga kayo ng turingan.. kagaya ko.. once i become friend to a person.. i treasured him or her, kaibigan ko na sya for the rest of my life.. that's how i valued a friend, attached na sya sa buhay ko.. kya sobrang sakit kapag naramdaman ko na sayang lang ang lahat ng oras at panahon.. mauuwi lang sa wala.. kapag nakaramdam na'ko ng ganon.. unti-unti ko na syang buburahin sa sistema ko dahil alam kong hindi na maibabalik ng ngayon ang dapat noon pa.. so far dalawa pa lang naman sila.. hanggang don nalang sana..




pero blessed parin ako sa mga kaibigan, iba-iba kasi sila.. merong mga formal na kaibigan,yun tipong sobrang titino.. pero pagdating sa gimikan at gastusan game na game.. meron ding pang session na kaibigan.. laging game basta inuman, pero kahit ganon, sila ang tipo ng kaibigan na kapag nakakita ng pagkain o anumang bagay na paborito mo.. ibibigay sayo..nakakatuwang isipin na naalala ka sa simpleng bagay na gusto mo.. meron ding ilang mga kaibigan na parang si joe d mango kung magpayo basta usapang pag-ibig.. para bang experts na experts sila.. pero ang totoo.. sila yung grabe kung masaktan, grabe kung umiyak.. hirap mag move on.. sasabayan mo nalng sa pag iyak.. tapos syempre meron ding friends na bestfriend dw.. sila naman ang kaibigan na inaalagaan ka para maging girlfriend ka at kapag hindi nangyare ang gusto nawawalang parang bula, pero kung may ganon.. meron ding kaibigan na totoong may mutual feelings kayo pero takot kayong nasira ang friendship hanggat maari magkaibigan lang kayo kasi ayaw nyong mawala ang isa't isa.. sayang kasi kumportable kayo sa isa't isa.. yun naman ang love na hindi humihingi ng kapalit.. yung iba mo namang kaibigan sila yung nagpapasaya sayo kapag malungkot ka.. yun tipong sobrang joker.. wala ng sense ang sinasabi mapatawa ka lang.. sila yung kaibigang pampatanggal ng stress..pero the best parin talaga ng friend mo na kasama mo sa kahit ano mang pangyayare sa buhay, yun tipong kahit kahihiyan na ang nangyayare jamming parin kayo.. hahaha! kung iisa isahin ko pa yung mga klase ng kaibigan ko haaaay... mamamaga ng daliri ko.. hehe! basta madami sila.. maaring kulang pa talaga to.. pero hangad kong malaman nilang super blessed ako.. anumang uri ng kaibigan sila.. sila ang nagdadagdang ng kulay sa mundo ko..