Monday, November 10, 2014

THE LATE BLOMER -Chapter VI

FEELINGS 


Yun na yata ang huling pagkikita namin ang gagong yun ahh.. hindi na nagparamdam.. magdadalawang linggo na.. (Jilian habang kinakausap ang sarili)

Lingid sa kaalaman ni Jilian umuwi si Raffy sa bahay nila matapos ang araw na huli silang nagkita..

"Raf-raf" -Mommy Lydia
"Ma.. ngayon mo lang ulet ako tinawag na Raf-raf ahh.. nakakamiss din pala.. -Raffy
"Muka kasing malalim ang iniisip mo.. nung bata ka.. naaalala mo ba kapag hindi ka nanalo sa laro o hindi ka nanguna sa klase ganyan ka rin.. tatawagin kita pero hindi ka lumilingon.. sasabihin ko sayo.. Raf.. Raf.. hanggang sa Raf-raf na talaga ang itinatawag ko sayo para lumingon ka agad..
"Hahaha.. yun pa lang story non ma..
"Kaya nga.. meron bang nangyare?
"Po? wala po ma..
"Raf..
"Hmmm.. may inisip lang po..
"Kung ano man yan.. alam kong nandito ka para mag-isip.. hindi kailangang solohin yan dahil nandito ako.. pero kung hindi ka pa ready ishare sakin yan.. ok lang.. matanda ka na eh..
"hehe.. mama talaga.. ok lang po ako.. kapag handa na ko ikukwento ko po sa inyo..

Nung mga oras na yon iniisip ni Raffy ang araw na isinilang si Sofie.. kaba na naramdaman nya sa pwedeng mangyare kay jilian habang ipinanganganak si Sofie.. Ang tuwa na naramdaman nya ng unang makita ang anak na hindi nya magiging anak.. Ang eksena sa hospital ng mga oras na yun..

"Mark.. tignan mo.. kamukha ko sya.. -Raffy
"Ou nga.. ganyan ang mukha mo sa baby pictures mo.. -Mark
"female version ko ata sya.. hindi mapagkakaila na ako ang ama nya
"Buti na lang nakuha nya ang ilong mo.. 
"ang lips naman nya kasing cute ng lips ng mommy nya.. ang sarap i-kiss..
"Ha? lips ni Jilian masarap i-kiss.. madalas mo ba sya i-kiss?
"Sira..
"Sabagay.. nabuo nga ang bata na yan eh.. malamang talagang natikman mo ang lips ni Jilian.. at mukang namimiss mo na..
"Ano kayang ipapangalan sa kanya si Jil
"Baka Juliana.. magka-rym sila
"Ano kaya kung Rafaela
"Ang baho naman dude.. minsan baduy ka rin eh noh
"ewan ko sayo..
"Sir yung bill po ni Mommy and Baby Sofie Sebastian pakicheck nalang po sa counter beside the cashier -Nurse
"Sofie? -Raffy
"Yes Sir.. yun po yung magiging name ni Baby sabi ni Ms. Jilian noon, madalas kasi kami magkwent
uhan kapag inuultrasound namin sya.. nakakatawa nga ang dahilan ng kung bakit Sofie ang pangalan ni Baby..

"Ha? bakit? anong dahilan? -Mark
"Mabuti pa si Ms. Jilian ang tanungin nyo.. hindi ko kasi alam kung pwede kong sabihin mo hindi.. sige po.. gising na si Ms. Jilian dadalin ko lang po si Baby kanya..

"Ang cute naman ng anak ko.. grabeh.. ikaw na ba yan anak.. ang liit  liit mo.. nakakatuwa ka naman baby sofie ko.. -Jilian
"Kamukha ko sya -Raffy
"Wui.. wag ka maingay.. walang pwedeng makaalam -Jilian
"Sus.. gumaganyan pa kayo.. e ako alam ko naman.. kanino nyo pa itatago yan dito? ako lang naman ang nakakakilala sa inyo dito.. -Mark
"Pati ikaw.. wag ka maingay Mark ha.. kung hindi lagot ka sakin.. -Jilian
"Teka nga.. curious lang ako.. at malamang curious din yan si Rafael hindi lang maitanong sayo.. May istorya daw ang pagbibigay mo ng Sofie bilang pangalan ng anak nyo.. bakit nga ba sofie..-Mark
"hehe.. secret.. -Jilian
"Weh.. me ganon pa.. -Mark
"Bakit nga sofie? -Raffy
"Ayoko nga sabihin.. -Jilian
"Arte.. kung ayaw mo sabihin kay Raffy.. sakin na lang..isi-sikreto ko..promise.. naku-curious lang talaga ko sa sinabi nung nurse.. baka hindi pa ko makatulog nyan pag diko nalaman -Mark
"Halika ibubulong ko sayo... -Jil
"Hahaha.. hahaha.. adik ka talaga.. pati ba naman pangalan ng anak mo sa kalokohan mo parin ibinase.. ahahah.. grabeh ka.. hahaha!
"Hahaha.. hihi.. -Jilian
"Sa susunod  Floory naman.. alam mo na kung bakit.. hahaha -Mark
"Hahaha.. malamang o kaya paglalaki Cement.. ahahah -Jilian
"Bakit ba.. ano ba yun at tawa kayo ng tawa -Raffy
"Hahaha.. wag mo na alamin pre.. knowing you hindi ka matutuwa.. -Mark
"Huh.. crazy -Raffy
"Hahaha.. ahehehe..hihih -Mark & Jilian
 "Anyway.. I'm going home.. kagabi pa ko dito hindi pa ko naliligo -Raffy
"Sige pre.. dito muna ko parating na sila mama at tita Ina -Mark
"Ok.. take care..
'Oh.. ayan na pala sila Mama eh.. -Mark
"Hello Tita.. i would like you to meet your apo.. Baby Sofie.. na nabuo sa.. hahahah -Mark
"Kuya Mark ang saya mo ahh.. parang ikaw ang Daddy.. -Brian (younger brother of Jilian)
"Nakakatawa kasi ang istorya eh hahaha -Mark
"Ikaw talaga babae ka.. ano pa bang gusto mong patunayan sa buhay mo at manganganak ka na't lahat hindi ka pa umuwi sa bahay -Ina (mother of Jilian)
"Walang tatao sa bahay eh! -Jilian
"Bakit may mananakaw ba don? wala rin naman paa yon para tumakbo at hindi mo na maabutan pag balik mo.. -Ina
"Nanay talaga.. -Jilian
"Sabay ka muna umuwi ha..-Ina
"Raffy nandito ka pa pala.. -Mommy Lydia
"Ahh.. opo.. ayaw po kasi magpa-iwan ni Mark eh
"Ahh ganon ba.. salamat iho ha.. at sinamahan nyo ang matigas ang ulong babaeng ito -Nanay Ina
"Ah.. eh.. wala po yun.. mauna na ho ako.. nandito na rin naman ho kayo-Raffy
"Ako rin ma.. tita.. sabay na'ko pababa kay Raffy -Mark
"Iwan mo yung sasakyan mo.. baka magparit parito kami dito mabuti ng may sasakyan kami.. isabay mo nalang sya Raffy - Daddy Ed.
"Opo Tito, Mauna na kame.. -Raffy 

Sa sasakyan

"Bakit daw ba Sofie ang ipinangalan ni Jilian -Raffy
"Hahaha.. naalala ko nanaman.. hahaha -Mark
"Bakit nga..
"ayoko nga sabihin
"Pepektusan kita..
"Hahaha.. kelan ka pa natuto ng ganyang salita..
"ha? bakit.. hindi ba ko nagsasalita ng ganon?
"Hindi talaga.. hahaha! nahawa ka na ka Jil
"Yung tinatanong ko sagutin mo.. ibababa kita dito..
"Ou na.. sungit nito.. Sofie kasi dun sya nabuo..
'What? Sofie.. Sofa.. diba dun nyo sya nabuo.. take note.. sa sofa ko pa yun ha.. hahaha
"What???? She's crazy!
"Hahaha.. ang cool nga eh.. next time pagsasahig Floory naman paglalaki daw Cement.. hahaha
"Huh.. nababaliw na kayo.. at gusto pa pala nya ng kasunod ha
"See? hindi ka matutuwa.. hahaha.. boring ka kasi..
"Dapat bang gawin mong kalokohan ang pangalan ng anak mo..
"Hindi naman halata ahh.. ikaw lang masyado kang siryoso..
"I'm just different!
"ok fine.. anyway.. anong feeling?
"ha?
"wala.. indenial ka talaga..

Nagbalik sa kasalukuyan si Raffy ng marinig ang boses ng kapatid na si Ellaine

"Kuya.. ang lalim na iniisip mo ahh! Yan ba dahilan kaya naisipan mong umuwi dito?
"Huh.. hindi ahh pagod lang..
"So.. hows Jilian?
"What? bakit sakin mo tinatanong?
"Why not? nandon ka ng manganak si Jilian diba?
"Oo nga pero.
"Sus... Natanong lang kita.. kasi ako hindi ko pa nakikita si Baby Sofie
"Ahh.. well i guess ok naman sila.. sa pagkakaalam ko madalas silang dalawin ng mama ni Jil,
"Well thats good.. atleast may nakakasama sya ngayon.. siraulo rin naman kasi ang tatay ng batang yun.. hindi ba naman sila panagutan.. walang kwentang tao.. sino man sya..
"Oi.. stop it.. you don't the reason why hindi sila pinanagutan non.. malay mo.. si Jil ang may ayaw..
"Fine.. ano bang paki natin don para pagtalunan pa natin yun..
 "Yeah.. right.. 

"Ellain.. Raffy.. Come on.. the dinner is ready... masarap ang ulam dahil finally kumpleto tayo -Mommy Lydia

Nanatili si Raffy sa bahay nila sa loob ng mahigit isang linggo.. Kain, tulog, nood TV, at iba pang pampalipas oras lamang ang ginawa ni Raffy sa bahay nila.. ni hindi sya nagbukas ng computer at cellphone.. Sinubukan nyang wag isipin si Jilian at ang anak nito ngunit hindi sya nagtagumpay.. Samantalang si Jilian, Ayun at nagsimula na ulit ng bagong buhay.. nag-resign ito sa trabaho upang mas maalagaan ang anak at ang nakuhang pera ay pinuhunan sa isang maliit na sari-sari store sa bahay upang may mapagkakitaan.. Maging mas madalas pa ang pagbisita ni Edward sa bahay ni Jilian ng mag-resign ito sa trabaho.. Nakarating ito kay Raffy kaya't hindi pa man natatapos ang bakasyon nito ay dali-dali na itong nagbalik sa maynila upang kumprontahin si Jilian!

I will not allow that stupid person to act as the father of my daughter! No and Never! Hindi rin ako papayag na magkatuluyan kayo ni Jilian.. wala silang kinabukasan sa taong yon -Raffy


TO BE CONTINUE..



Thursday, November 6, 2014

THE LATE BLOOMER -Chapter V




The Action Speaks


 Day after Jilian gave birth

“Good morning Sir,
“Good morning!
“Sir congrats, babae po ba o lalake ang anak ninyo
“Bouncing baby girl,.. (nabigla si Raffy sa naisagot sa tauhan)
“Wow.. my princess na kayo  Sir,
“No., hindi ko anak yun.. I mean inaanak lang.. kasi bestfriend ko yung tatay nung bata! Pinsan ng Pinsan ko yung nanay.. Malapit samin nakatira.. ahhmm.. that’s it! (bakit ba ko nagpapaliwanag! Tanong sa sarili)
“Po? Ang dinig po naming lahat sa inyo kahapon, sinabi nyong manganganak ang misis nyo kaya nagmamadali kayo..
“ha? Sinabi ko ba yun?
“Yes sir, lahat po kami yun ang dinig namin, kaya po lahat kami nagcocongratulate sa inyo..
“Well.. it’s just a big mistake! Back to work.. all of you.. back to work! Now!



After two weeks.. habang pina-aarawan ni Jilian ang anak!

“Jilian, ang pogi naman pala ng tatay ng anak mo.. muka lang mama’s boy kaya ba hindi kayo nagsasama? Wika ng kapitbahay ni Jilian
“Po? Hindi po.. hindi po yun ang tatay ng anak ko..
“sus, wag ka ng magdeny Jilian, kitang kita naming kung gaano sya nag-alala sa inyong mag-ina.. pati nga nung sinisisi mo sya naririnig naming lahat, ang cute nyo nga..
“Ho, nako nagkakamali ho kayo..
“Mayaman siguro ano? At mama’s boy kaya ganoon.. ayaw ng magulang sayo..
“Hindi ho, bakla ho yun.. may ka-live in partner nga e! kailangan ho magpretend na lalake kya minsan gusto nya pakita sa mga nakakakilala sa kanya na lalake sya.. mawawalan po ng mana kapag nalamang gnidab.. ginagamit lang ho ako non..
“Naku.. sayang naman ang lahi.. bagay pa nman kayo khit mukhang malamya..
“dyan na nga ho kayo.. umiiyak na ho baby ko eh.. gutom na ho ata..

Sa office ni Raffy

“Leave?” –Stacey
“Oo.. Yun ang sabi ni Sir eh! Nagulat nga ko.. first time magleave ni Sir ahh.. iba na talaga pag may baby na.. –Kevin
“Wala pa syang baby!!
“Meron na noh.. nagde-deny lng yun..
“hanggang kelan daw ang leave nya?
“dalawang linggo lang naman daw!”
“What? We didn’t make it on our last presentation and now two weeks sya leave? I have to call him..
“Abah.. maka asta ka naman e Staff ka lng ni Rafael noh! Alam nyang ginagawa nya..
“And you? Driver ka lang.. Bakit mo sya tinatawag na Rafael? Wala kang galang!
“Ako baga? Si Kevin ini.. Si Rafael boss ko lang sya pag-nandito kami sa opisina..  Pero dikit kami non!
“You? And your language? Come on.. wake up! A driver like you..
“Hindi lang marunong magpakita ng totoong ugali yun si Rafael.. Pero alam kong tinuturing nya kong kaibigan.. (habang nangingiti.. naalala ni Kevin ng magpasama sa kanya si Raffy sa grocery ilang oras lang ang nakalipas.. )

“Ang haba naman ng leave nyo Sir Raffy -Kevin
“May aasikasuhin lang ako Kevs..
“Sir.. Kevin po.. lagi nyo nalang nakakalimutan .. parang ang baho kasi ng Kevs eh
“Hanggang tinatawag mo kong Sir Raffy ng wala ako sa opisina, Kevs ang itatawag ko sayo..
“Rafael san ba tayo pupunta.. leave ka na ipinagdadrive pa kita abuso ka na..
“Tignan mo’to.. magpapasama lang eh
“San ba?
“May anak ka na diba?
“Hihingi ho ba kayo?
“Sira.. mag-grocery kasi ako.. hindi ko alam ang kailangan ng one month baby girl
“Ha? Sana one month baby girl ang isinama nyo ng malaman nyo kailangan nya?
“KEVIN!
“Gatas, Diaper.. bulak! Baby soap damit.. at kung anu-ano pa.. ako ho bahala sa inyo..
“Ok that’s Good
“Kailangan nyo rin bumili ng prutas.. masustansyang pagkain.. o magluto ng may sabaw..
“Are you kidding? One month old baby yun.. hindi pa nakaka-kain
“Kaya nga.. para sa gatas nya yun..
“what?
“Rafael..  para sa ina ng baby yun.. kasi sa kanya pa dumedede ang baby kung hindi inuubos ng daddy..
“Kevin umayos ka ha
“Ai sus.. ayaw maniwala.. dapat masustansya at may sabaw ang kinakain ng mommy kasi napupunta un sa gatas na dinedede ng baby sa kanya.. siryoso ko.. ayun ang sabi ng asawa ko kapag inuutusan nya ko mamalengke..
“Namamalengke ka..
“Oo naman kapag di’ko sinusunod asawa ko.. out side de kulambo ako.. abah.. mahirap yun Rafael.. hindi ako makakatikim ng sabaw..

4pm ng hapon..

Tok tok..
“tao po..      tao po..      Jilian, nandyan ka ba?

Pag bukas ng pinto..
“Oh Raffy,.. bat nandito ka? 
"Ahm.. napadaan lang..
"pumasok ka nga bilisan mo.. baka makita ka ng mga kapitbahay! Hindi ka nag-iisip naturingan kang matalino..
“Ang dami mo namang sinabi, dinaan ko lang naman ang mga toh
“Ano yan?
“Naggrocerry kasi ako, e naisipan ko ng bilin lahat ng yan!
“Ang dami naman.. hindi mo talaga plano ha!
“magpasalamat ka na lang
“ano to? Sabaw?
“Bulalo yan.. mas masarap yan habang mainit.. kya kainin mo na..
“Anong trip mo?
“Kumain ka na lang
“Mukang masarap nga ahh.. pero Hindi mo kailangan gawin toh.. may usapan tayo diba? Hindi mo kami kailangang suportahan
“Hindi ka talaga marunong magpasalamat noh! Yun nlang pwede mong gawin di mo pa magawa
“Hoy hindi ko naman hiniling sayo yan,
“Kaya nga eh.. kusang loob naman toh.. wlang kapalit kya bakit hindi ka nlng magpasalamat kesa dakdakan mo nanaman ako dyan!
“Haaay nako, sige na salamat.. ayoko makipagtalo sayo.. utak bulalo
“Pakarga nga sa anak ko.. “hi baby ko.. ang ganda  naman ng princess ko!  Manang mana sa daddy.. diba baby”
“Hoy wag ka nga maingay.. baka may makarinig sayo.. (Habang kumakain)
“Masyado kang defensive jil, wlang ibang tao, tayo lang.. ano ba naman kung tawagin kong anak ang tunay kong anak..
“Ano ka’ba Raffy, nasisira naba ang ulo mo..
“Ikaw ang praning “Diba baby, praning na mommy mo.. wag mo gagayahin yan ha! Dpat kagaya ka ni Daddy.. Henyo! Hehe
“Ewan ko sayo..
“Nga pla Jil, ano yung atcheng?
“Ha? Bakit?
“Yung manang kasi sa labas ng bahay nyo.. binati ako sabi sakin kamusta atcheng?
“Ha? (simpleng tawa ni Jil) anong sinagot mo?
“Sabi ko ayos lang ho.. tapos yung mga ibang tambay don sumisigaw ng paminta!“Ano ba yun? Hindi ko sila maintindihan muka ba kong nagtitinda ng paminta?
“Hahaha… hahaha.. wag mo nalang pansinin
“Anong nakakatawa don..
“Wala, yang kurbata mo kasi baliko na.. nalungaran pa ni Baby Sofie
“Ha? Na’ko tanggalin mo nga muna.. regalo pa naman sakin yan ni Stacey.. nagmamancha ba yan?
“Sinong Stacey?
“Nakwento ko na sya sayo dati..
“Ahh yung first love mo..
“Staff  na lang ang turing ko sa kanya ngayon!
“So sya nga yung first love mo?
“Yata..Tanggalin mo na'to..
“Tanggalin mo mag isa mo.. nagmamancha yan lungad noh, hindi na matatanggal, pag nilaban mo kukupas na yang kulay!
“Hoy, hoy, teka lang tanggalin mo kurbata ko..
“Busy ako.. sabi mo kumain ako..
“Tatanggalin mo lang sandali eh..
“Ayoko,, kayanin mo mag isa mo yan.. anak mo yan diba.. mas mahalaga ba kurbata mo sa anak mo..
“Ano ka ba? Ang init nanaman ng ulo mo.. inaano ka ba..
“Ewan ko sayo paminta!

Matapos kumain ni Jilian

"Hindi ka pa ba uuwi? -Jilian
"Uuwi.. Hindi ko kaya gustong makita ng mukha mo ng matagal
"E kung ganon lumayas-layas ka na dito at hindi rin nakakatuwa ang mukha mo.. bat ka ba pumunta dito? akala mo nakalimutan ko na ang pinagsasabi mo sakin?
"Yung pinagsasabi ko hindi mo nakakalimutan pero ng tinulungan kita at inalagaan sa hospital hindi mo maalala..
"Ako ba nagsabi sayo tulungan mo'ko?
"Hindi! But I still did.. a simple thank you is enough
"Nakukulangan ka na ba ng Thank you at hingi ka ng hingi sakin?
"You're crazy..
"Aren't you?
(Nagkatinginan at sabay tawanan ang naganap sa sagot na yun ni Jilian)
"Hahaha -Raffy&Jilian
"Yun pa lang ang sinabi ko ma no-nose bleed na agad ako hahaha-Jilian
"Hahaha, actually naghintay pa ko ng kasunod nun eh! hahaha
"Natigilan nga ko eh.. wala ng kasunod.. hahaha
"As simple as that we laugh like this.. 
"ikaw lang eh.. hindi hobby tumawa..
"Hahaha.. yeah.. The last time laugh like this nabuo si Sofie..
"Hahaha Ou nga.. (sabay katahimikan)
"I'm sorry.. -Raffy
"Ha.. wala yun.. ikaw naman!
"I mean sorry for everything.. sa mga nasabi ko sayo before.. 
"Ha.. sanay na naman ako sayo eh.. hindi mo na kailangan mag-sorry
"Pero.. hindi maganda yung mga sinabi ko
"Ngayon mo lang napansin?
"Yeah.. at marami rin akong napapansin lately..
"Ha.. kagaya ng ano
"Nang.. Ma..

Sunud-sunog na katok sa pintuan ang naging dahilan upang maputol ang sinasabi ni Raffy kay Jilian.

"Sino yun? its already 7pm meron ka pang bisita? -Raffy.
"Hindi ko alam dyan ka lang sisilipin ko..

Pagbalik ni Jilian
"Umalis ka na.. baka makita ka ng bisita ko.. sa likod ka dumaan
"and who is that stupid visitor of yours?
" Si Edward.. bilisan mo.. baka makita ka nya..
"Who?? Your ex-boyfriend?
"Oo.. Wag ka na maingay.. bilis umalis ka na
"It's already late in evening.. Why is he here?
"OA.. hindi pa masyado late ang 7pm sa mundo natin ok.. at saka ikaw nga nandito ka parin eh..
"But I'm here to..
"Ay ang daldal..sige na.. umuwi ka na..
"Pero..
"Ayan tayo eh.. ang kulet.. nangingialam pa ng trip.. di na lang umalis..
"Ok fine!

Raffy on his room (pagkagaling sa bahay ni Jilian)

"Stupid! Stupid! Stupid! hoooooooooooh.. inhale, exhale.. inhale, exhale.. What the hell.. ano bang nangyayare sakin? Nasisiraan na'ko ng bait because of that stupid girl! Ano bang paki-alam ko kung nandon nanaman ang lalaking yon sa bahay nya.. wala naman akong pakialam kung magkabalikan pa sila.. subukan nya lang nya! Hindi ako papayag sya ang maging ama ng anak ko.. anak ko kaya yun.. akin yun.. hindi kanya.. Nakakainis.. Dapat gumawa ako ng paraan..  pero bakit ako gagawa ng paraan.. usapan namin kanya kanyang buhay na at walang makakaalam na ako ang ama ng anak nya.. pero ayoko naman ung panget lalaking yon ang kilalaning ama ni Sofie.. Tang inang yun ahh.. baka dun pa matulog ang lokong yun! Haaaay.. bakit ba ko nagsalita ng ganon.. grabeh.. sira na talaga ulo ko.. .. (simingit sa isipan ni Raffy ang naganap na tawanan nila ni Jilian).. kung hindi lang dumating ang mokong na yun.. maayos pa sana ang usapan namin kanina.. baka hanggang ngayon nga nandon pa ko at nag-uusap kami.. ano nga bang gusto kong sabihin kanina?... Ahh.. ewan.. kalokohan lang to lahat... makatulog na nga..

TO BE CONTINUE..

Sunday, February 2, 2014

Learn to forgive and forget

I wanna start a new way of life.. forget those pain from the past.. forgive those who hurt me badly and treat me life a trash.. gusto ko ng mawala ang eye bags ko.. ayoko ng magtanim ng galit... I wanna live life in a simple way.. yun tipong magaang lang.. alam kong magkakaiba ang tao at hindi lahat maiintindihan ka, at hindi lahat maiaayos mo sa paraang alam mo, hindi porket hiningi ang opinyon dapat sundin ka at masusunod ka.. hindi lahat ng gusto mong mangyare, mangyayare! Hindi lahat ng itinuring mong kaibigan, itinuring kang kaibigan.. hindi lahat ng minahal mo, minahal ka.. hindi ka laging mapapatawad at magpapatawad! Dapat matuto kang tanggapin na ganon talaga.. mangyayare ang ayaw mo at dimo ginusto.. hindi laging aayon sayo ang lahat dahil alam yun ang dapat at ginawa mo ang lahat.. wala eh! Sadyang un ang mga nakatakda..

Naisip ko lng, minsan nagkaron ako ng kaibigan na eventually nagustuhan ko, pero iba ang nakatuluyan ko..nakaaway ko sila kasi alam kong hindi magkakaganon ang babaeng yun kung wala syang sinabi, ano man yun, para sakin pagyayabang yun! nagkagulo kami, at simula non, tablado na sya skin, at khit hanggang ngayon, hindi ko na sya matanggap.. Last january 26, birthday ng common friend namin, were both invited, we talk like an old friend but for me, pakikisama lang un! we can never be a friends just like the old times, then i see another man, nakagalit ko din sya at kinalimutan na kahit na pinipilit nya laging pansinin ako pra magkaayos kami, ayoko! then i saw a girl from the window.. isa pa sya, pra sakin, sya ang pinakawalang kwentang tao na naging kaibigan ko, ayoko na syang maging kaibigan dahil tested na ang ugali nya, the next day that girl tagged me in an old picture of us, that was new year and were happy...

Ilan lang sila sa mga kaibigan ko na, isa isa kong binura sa systema ko, hindi ko na sila matanggap dahil sa mga ginawa nilang hindi ko nagustuhan.. mali ba ko? oo mali ako dun, dahil dapat marunong kang magpatawad lalo na kung hindi man nila sabihin, gumagawa naman sila ng paraan para makabawi sayo at maibalik ang dati ninyong pagkakaibigan, Gusto ko ng kalimutan ang lahat ng mga nangyare noon, gusto ko ng alisin ang galit sa puso at isipan ko sa mahabang panahon.. Alam kong hindi ako masama pero hindi rin ako ganon kabute.. marami rin ang akong nagawang mali.. Sana mabago ko pa ang lahat.. mapatawad at matutong magpatawad..

Monday, January 27, 2014

From a simple birthday celebration to reunited with old friends..

Last night was the first puyat in my 2014.. Ooopps.. second pala.. The first one is new year! well anyways, namiss ko talaga yung bonding na un.. with those circle of friends.. The laughter, the tripping, syempre hindi mawawala ang throwback! Hahaha.. pati ang mga love teams! Until now nakakakilig parin ang mga moments na yun.. Looking back from who we are before.. Haaay.. those were tha days.. we were all young and free from the hustle of life.. Enjoying our younger life to the fullest! Do you know what's more fun with the friendship we have? It never ends.. Although were different now, we never seen each other like how we used to, or the paths were taking is different from each other, the friendship is still there! Kaya pag biglang nagkasama-sama.. aun na! Babalik kami sa kung sino kami noon..