Saturday, October 29, 2011

During T.G.I.S.T (My childhood crush)



Sa basketball court kita unang nakita.. Grade 5 pa lang ako non. Naglalakad ako sa basketball court ng nabangga mo ko , tumingin ka lang sandali at muling naglakad habang ako ay naiwang nakatingin habang papalayo ka..

Simula non hinangad ko ng lagi kang makita, bawat pagkakataon na nagkita tayo ay tumatatak sa utak ko.. Sa overpass, sa tindahan, sa labas ng tambayan, sa city hall, sa simbahan at kung saan saan… alam mo bang sayo ko natututong mag simba mag isa.. Sa ka titingin ko sayo napansin kong mag isa ka lang magsimba.. kung kaya mo, kaya ko rin, hinangad ko na sana minsan magkasabay tayo hanggang sa nasanay na’kong magsimba mag-isa.

isa sa mga hindi ko malilimutan ay ang unang pagkakataon na makausap kita, Second year high school na’ko non. Nagtitrip kami ng mga kaibigan sa mga dumadaan at ng ikaw ang dumaan, “Kuya, pwede manligaw?.. San ka pupunta? Ihahatid na kita..” yun ang unang salita na nabigkas ko sayo.. Siguro naiinis ka sakin non, kya simula non iniiwasan mong makita ako..

2002, Im turning 18 years old at ikaw sana ang gusto kong maging escort para maging mas masaya at lalong espesyal ang Debut ko! Pero pano mangyayari yon iniiwasan mo’ko.. pinatanong ko sa kapatid mo kung makakarating ka sa kaarawan ko pero ang sabi mo aakyat ka sa bundok non.

Tumuntong ako sa college na ikaw lang ang tanging taong tinitibok ng puso ko! Pero ayaw mo sakin.. hindi mo man sabihin, ramdam ko yun..

Pinilit kong kalimutan ka.. sinubukan kong magmahal ng iba.. pero nabigo ako at nasaktan!

Nagpakabusy ako sa pag-aaral upang makalimutan ang lahat pero hindi ka nawala sa puso ko.. may mga pagkakataon parin na naiisip kita.. iniisip ko nga kung gusto lang ba talaga kita o mahal na kita.. o baka naman nachachallenge lang ako sayo..

Graduation ko ng college ng bigyan ako ng regalo mga kaibigan ko, isang compilation ng pagbati mula sa malalapit kong kaibigan! Sobrang saya ko non at ang lalong nagpasaya sa akin ay ng makita kong sumulat ka rin don at ikaw ang pinakahuli! Kasama pa don ang picture mo.. Simula non muling bumalik ang feelings ko para sayo.. muli akong umasa na magugustuhan mo rin ako..

Natatandaan mo pa ba? Nakipagtextmate ako sayo bilang si Ian, pakiramdam ko non, pagkakataon ko ng mapalapit sayo pero nabigo ako.. Nung malaman mong ako yun.. hindi mo na ulet ako itinext.. Nalaman ko ring mayroon kang ibang gustong babae at kahit hindi ikaw ang gusto nya.. sya parin ang gusto mo.. pakiramdam ko.. kahit kailan hindi mo ako magugustuhan.

Nagtrabaho ako sa mall, gabi na kung umuwi ako at madalas masakit ang ulo ko, bumili ako ng biogesic non, hindi ko napansin habang naglalakad ako na ikaw na pala ang madadaanan ko “Penge ” yun sinabi mo non.. At dahil nga masakit ang ulo ko non ngumiti lang ako non at pinakita sayo ang gamot.. “Ingat” iyon naman ang isinagot mo sakin pagaya sa commercial ni John Lloyd ng biogesic. Simula non kapag nakikita ko si John Lloyd sa commercial ng biogesic ikaw ang naaalala ko..

Isang gabi.. Habang nagtatrabaho ako sa mall dumating ka at namili ng damit.. sobrang saya ko non dhil pinapansin mo na ko.. Lalo pa akong naging Masaya ng mag stay ka sa pwesto ko at masayang nakipagkwentuhan sakin.. ngunit hindi lang iyon ang nakapagpasaya sakin..Isang gabi nakatanggap ako ng text message mula sayo.. “Hi.. kmusta?” nakaramdam ako ng kilig.. tuwa.. saya.. sa wakas.. mapansin mo rin ako..akala ko magiging tuloy tuloy na ang saya ko ngunit bigla nalang hindi ka na nagtext sakin.. ang sabi ng mga kapatid mo wala ka ng cellphone.. tapos naging busy pa tayo pareho sa trabaho kyat lalong nawalan tayo ng communication. At muli.. BIGO!

Lumipas ang ilang taon.. nagtatrabaho na ko sa city hall ng isang umaga nagkasalubong tayo.. ibang iba na tayo.. ang itsura naten hindi na tulad noon.. Ngiti lang ibinigay naten sa isa’t isa! Ang ngiti na yon ang pinakamahabang minuto na naencounter ko! Isang gabi nakatanggap ako ng text message ..

“hi kmusta kana?”

“auz lang ako, ikaw kamusta na? reply ko

“kilala mo ba’ko?

“Oo naman.. Jentot”

(ang number na yon ang ginagamit ni Jen pang text sa akin kayat ang pagkakaalam ko sa kanya ang number na yon)

“Hindi..” reply nya!

“Sino ka”

“Hulaan mo..”

“John eric?”

“Hindi..”

“Janel, Julius, Jomar, nanay, tatay, JP?

“hahaha.. kumpleto ahh.., Julius toh”

Pagkabasa ko ng pangalan mo natigilan ako, hindi ako makapaniwala, paulit ulit ko pa ngang binasa ang pangalan mo.. kinakamusta mo ko at nakikipagbiruan ka pa sakin.. Nalaman ko na sayo pa ang number na yon at madalas lang hiramin ni Jen.

Simula non madalas na tayong magkatext, marami na tayong napag uusapan at mas nakikilala na naten ang isat isa.. may mga bagay kang sinabi na akala mo ganon ako.. pero hindi pala.. Madalas narin kitang tawagan, Diko ineexpect na, kahit ikaw tinatawagan mo narin ako.. Ang saya saya ko.. pakiramdam ko eto na talaga ang pagkakataon ko na maging tayo.. Minsan, nakatulog ako at hindi nakatawag sayo.. kinabukasan nakita ko ang message mo, sabi mo, napuyat ka kahihintay sa tawag ko, tinext mo ko habang nasa opisina ka, kinilig ako.. dahil ang sabi mo non hindi ka gumagamit ng cellphone pag umaga dahil nasa opisina ka pero nung araw na yon nagawa mong gamitin para lang alamin kung anong nangyari sakin.. pakiramdam ko mahalaga narin ako sayo..

Nagkayayaan kami ng mga high school friend ko na magswimming! Niyaya kita para may partner ako.. Agad ka namang pumayag kaya sobrang saya ko.. Sobra kong naexite sa swimming na un dahil sa unang pagkakataon na magkakasama tayo. Ngunit sadya mapaglaro ang panahon.. Nung araw nayon dumatiing ang bagyong si Ondoy! Sobrang lungkot ko dahil hindi natuloy ang lakad.. parang gusto ko ng umiyak habang kausap kita pero sabi mo wag ako malungkot dahil manonood nalang tayo ng sine sa darating na sabado.. natuwa ako muling nagkaroon ng pag asang makasama ka! Pero hindi yata talaga tinadhana na magkasama tayo.. Dumating ang araw ng sabado at kasabay ng pagdating ng araw na yon ang bagyong si Pepeng! Hindi tayo natuloy at ang masakit pa nito.. hindi na tayo matutuloy kahit kailan dahil ilang araw lang matapos dumating ng bagyong si pepeng ay nag away tayo dahil lang sa isang tanong! Tanong na sobrang nakasakit saakin.. at sagot ko naman na sobrang nakapanghusga sayo.. Sinabi mo sakin na sinubukan mo lang ako sa tanong na yon.. Sinabi mo rin na sinusubukan mo akong mahalin ngunit sa mga sinabi ko ay ayaw mo na..

Simula non.. hindi na tayo muling nag usap pa.. pakiramdam ko kahit ang langit tutol sating dalawa..

PA’NO NAMAN AKO? KAY TAGAL KO NG UMIBIG SAYO.. WAG SANANG MASAYANG ITONG DAMDAMIN KONG LAAN SAYO..

Saturday, October 8, 2011

I'm a great pretender!

Sometimes i wonder why they look at me like I'm a superwoman! My friends used to say that I'm strong.. I can handle things on my own and without a help of someone like a boyfriend! but hey guys.. would you think that's the definition of being strong?? I maybe strong.. but not too strong enough to stand alone! Yeah, i can handle things on my own.. and its not because I can.. its because I have to!.. but at the end of the day! Yung tipong mag-isa ka nalang.. dun mo makakasalubong si SAD at si WEAK minsan kasama pa si TEARS ! and the only way you can do is to sleep para maiwanan sila.. HAHAHA!

I'm not that strong.. I'm just a great pretender!