Sunday, December 4, 2011

Now I finally know..

Few years ago I decided to stop searching for my superman and just enjoy my single life! Thanks to my parents pinag aral ako kya maayos ang trabaho ko! And because of this work I had fun, I've been to a places I never been before, I learn and experienced lot of things which led me to be strong and be contented by just myself and my family! I become busy enough not knowing that time have passed,years gone by and naiwan na pala ko! Until just recently my parents had fight! I dont understand them why they have to be like that! Why cant they just forgive each other and forget what had happen! Did they forgot that its already christmas season? Then i realized.. I've been into a relationship too many times but none of it worked out! Now I know why.. I only wanted someone that can listen to me at my hard times like when my parents fight which the only things that makes me weak! That person would say that Its ok! Everything will be alright,Im here for you,and with that I now I will be happy even if its not superman..

Wednesday, November 30, 2011

When you make a mess..

Two days ago my childhood friend celebrate his 28th birthday! We had so much fun.. We super enjoy each others company like when we were young! Lot of things happened.. Unlimited laughing and joking, some reminiscing the love teams,and some crying for non sense reason.We almost forgot or should I say we really forgot that were all an adults now! In short.. We made a lot of mess that night! A mess that should be "NAKAKAHIYA" yeah its nakakahiya at our age and life stand! but for me it was a mess that I enjoy! Most of my younger age kc I always think of what others may say! Para kasing they have high expectations on me that i have to protect! Baliktad e noh.. Kung kelan tumanda saka nagkalat! Aun after what happend I realized that in peoples life,mess is always a part of it! But it doens't just mean kahihiyaan! Sometimes by having it you discover yourself, it shows the real you and you will learn from it! By the way that mess gave me a remembrance! Peklat sa pagkahulog sa motor na never pa nangyare sakin..

Saturday, October 29, 2011

During T.G.I.S.T (My childhood crush)



Sa basketball court kita unang nakita.. Grade 5 pa lang ako non. Naglalakad ako sa basketball court ng nabangga mo ko , tumingin ka lang sandali at muling naglakad habang ako ay naiwang nakatingin habang papalayo ka..

Simula non hinangad ko ng lagi kang makita, bawat pagkakataon na nagkita tayo ay tumatatak sa utak ko.. Sa overpass, sa tindahan, sa labas ng tambayan, sa city hall, sa simbahan at kung saan saan… alam mo bang sayo ko natututong mag simba mag isa.. Sa ka titingin ko sayo napansin kong mag isa ka lang magsimba.. kung kaya mo, kaya ko rin, hinangad ko na sana minsan magkasabay tayo hanggang sa nasanay na’kong magsimba mag-isa.

isa sa mga hindi ko malilimutan ay ang unang pagkakataon na makausap kita, Second year high school na’ko non. Nagtitrip kami ng mga kaibigan sa mga dumadaan at ng ikaw ang dumaan, “Kuya, pwede manligaw?.. San ka pupunta? Ihahatid na kita..” yun ang unang salita na nabigkas ko sayo.. Siguro naiinis ka sakin non, kya simula non iniiwasan mong makita ako..

2002, Im turning 18 years old at ikaw sana ang gusto kong maging escort para maging mas masaya at lalong espesyal ang Debut ko! Pero pano mangyayari yon iniiwasan mo’ko.. pinatanong ko sa kapatid mo kung makakarating ka sa kaarawan ko pero ang sabi mo aakyat ka sa bundok non.

Tumuntong ako sa college na ikaw lang ang tanging taong tinitibok ng puso ko! Pero ayaw mo sakin.. hindi mo man sabihin, ramdam ko yun..

Pinilit kong kalimutan ka.. sinubukan kong magmahal ng iba.. pero nabigo ako at nasaktan!

Nagpakabusy ako sa pag-aaral upang makalimutan ang lahat pero hindi ka nawala sa puso ko.. may mga pagkakataon parin na naiisip kita.. iniisip ko nga kung gusto lang ba talaga kita o mahal na kita.. o baka naman nachachallenge lang ako sayo..

Graduation ko ng college ng bigyan ako ng regalo mga kaibigan ko, isang compilation ng pagbati mula sa malalapit kong kaibigan! Sobrang saya ko non at ang lalong nagpasaya sa akin ay ng makita kong sumulat ka rin don at ikaw ang pinakahuli! Kasama pa don ang picture mo.. Simula non muling bumalik ang feelings ko para sayo.. muli akong umasa na magugustuhan mo rin ako..

Natatandaan mo pa ba? Nakipagtextmate ako sayo bilang si Ian, pakiramdam ko non, pagkakataon ko ng mapalapit sayo pero nabigo ako.. Nung malaman mong ako yun.. hindi mo na ulet ako itinext.. Nalaman ko ring mayroon kang ibang gustong babae at kahit hindi ikaw ang gusto nya.. sya parin ang gusto mo.. pakiramdam ko.. kahit kailan hindi mo ako magugustuhan.

Nagtrabaho ako sa mall, gabi na kung umuwi ako at madalas masakit ang ulo ko, bumili ako ng biogesic non, hindi ko napansin habang naglalakad ako na ikaw na pala ang madadaanan ko “Penge ” yun sinabi mo non.. At dahil nga masakit ang ulo ko non ngumiti lang ako non at pinakita sayo ang gamot.. “Ingat” iyon naman ang isinagot mo sakin pagaya sa commercial ni John Lloyd ng biogesic. Simula non kapag nakikita ko si John Lloyd sa commercial ng biogesic ikaw ang naaalala ko..

Isang gabi.. Habang nagtatrabaho ako sa mall dumating ka at namili ng damit.. sobrang saya ko non dhil pinapansin mo na ko.. Lalo pa akong naging Masaya ng mag stay ka sa pwesto ko at masayang nakipagkwentuhan sakin.. ngunit hindi lang iyon ang nakapagpasaya sakin..Isang gabi nakatanggap ako ng text message mula sayo.. “Hi.. kmusta?” nakaramdam ako ng kilig.. tuwa.. saya.. sa wakas.. mapansin mo rin ako..akala ko magiging tuloy tuloy na ang saya ko ngunit bigla nalang hindi ka na nagtext sakin.. ang sabi ng mga kapatid mo wala ka ng cellphone.. tapos naging busy pa tayo pareho sa trabaho kyat lalong nawalan tayo ng communication. At muli.. BIGO!

Lumipas ang ilang taon.. nagtatrabaho na ko sa city hall ng isang umaga nagkasalubong tayo.. ibang iba na tayo.. ang itsura naten hindi na tulad noon.. Ngiti lang ibinigay naten sa isa’t isa! Ang ngiti na yon ang pinakamahabang minuto na naencounter ko! Isang gabi nakatanggap ako ng text message ..

“hi kmusta kana?”

“auz lang ako, ikaw kamusta na? reply ko

“kilala mo ba’ko?

“Oo naman.. Jentot”

(ang number na yon ang ginagamit ni Jen pang text sa akin kayat ang pagkakaalam ko sa kanya ang number na yon)

“Hindi..” reply nya!

“Sino ka”

“Hulaan mo..”

“John eric?”

“Hindi..”

“Janel, Julius, Jomar, nanay, tatay, JP?

“hahaha.. kumpleto ahh.., Julius toh”

Pagkabasa ko ng pangalan mo natigilan ako, hindi ako makapaniwala, paulit ulit ko pa ngang binasa ang pangalan mo.. kinakamusta mo ko at nakikipagbiruan ka pa sakin.. Nalaman ko na sayo pa ang number na yon at madalas lang hiramin ni Jen.

Simula non madalas na tayong magkatext, marami na tayong napag uusapan at mas nakikilala na naten ang isat isa.. may mga bagay kang sinabi na akala mo ganon ako.. pero hindi pala.. Madalas narin kitang tawagan, Diko ineexpect na, kahit ikaw tinatawagan mo narin ako.. Ang saya saya ko.. pakiramdam ko eto na talaga ang pagkakataon ko na maging tayo.. Minsan, nakatulog ako at hindi nakatawag sayo.. kinabukasan nakita ko ang message mo, sabi mo, napuyat ka kahihintay sa tawag ko, tinext mo ko habang nasa opisina ka, kinilig ako.. dahil ang sabi mo non hindi ka gumagamit ng cellphone pag umaga dahil nasa opisina ka pero nung araw na yon nagawa mong gamitin para lang alamin kung anong nangyari sakin.. pakiramdam ko mahalaga narin ako sayo..

Nagkayayaan kami ng mga high school friend ko na magswimming! Niyaya kita para may partner ako.. Agad ka namang pumayag kaya sobrang saya ko.. Sobra kong naexite sa swimming na un dahil sa unang pagkakataon na magkakasama tayo. Ngunit sadya mapaglaro ang panahon.. Nung araw nayon dumatiing ang bagyong si Ondoy! Sobrang lungkot ko dahil hindi natuloy ang lakad.. parang gusto ko ng umiyak habang kausap kita pero sabi mo wag ako malungkot dahil manonood nalang tayo ng sine sa darating na sabado.. natuwa ako muling nagkaroon ng pag asang makasama ka! Pero hindi yata talaga tinadhana na magkasama tayo.. Dumating ang araw ng sabado at kasabay ng pagdating ng araw na yon ang bagyong si Pepeng! Hindi tayo natuloy at ang masakit pa nito.. hindi na tayo matutuloy kahit kailan dahil ilang araw lang matapos dumating ng bagyong si pepeng ay nag away tayo dahil lang sa isang tanong! Tanong na sobrang nakasakit saakin.. at sagot ko naman na sobrang nakapanghusga sayo.. Sinabi mo sakin na sinubukan mo lang ako sa tanong na yon.. Sinabi mo rin na sinusubukan mo akong mahalin ngunit sa mga sinabi ko ay ayaw mo na..

Simula non.. hindi na tayo muling nag usap pa.. pakiramdam ko kahit ang langit tutol sating dalawa..

PA’NO NAMAN AKO? KAY TAGAL KO NG UMIBIG SAYO.. WAG SANANG MASAYANG ITONG DAMDAMIN KONG LAAN SAYO..

Saturday, October 8, 2011

I'm a great pretender!

Sometimes i wonder why they look at me like I'm a superwoman! My friends used to say that I'm strong.. I can handle things on my own and without a help of someone like a boyfriend! but hey guys.. would you think that's the definition of being strong?? I maybe strong.. but not too strong enough to stand alone! Yeah, i can handle things on my own.. and its not because I can.. its because I have to!.. but at the end of the day! Yung tipong mag-isa ka nalang.. dun mo makakasalubong si SAD at si WEAK minsan kasama pa si TEARS ! and the only way you can do is to sleep para maiwanan sila.. HAHAHA!

I'm not that strong.. I'm just a great pretender!

Tuesday, September 27, 2011

When will it be me? by yasmeen

I want to experience what true love is... so much that it hurts! I know that my soulmate is out there, but i can't find him... and he can't find me, apparently. :-(

Friday, June 24, 2011

Rain


When i was young super nae-enjoy ko ang rain.. ang sarap maligo at maglaro sa ulan! Not until i get old and have time with this especial person in my life..

Kahapon sobrang lakas ng ulan.. kaya't natulog ako ng maaga.. kapag umuulan sya ang naaalala ko! Siguro kasi sa tuwing magksama kami umuulan.. nung pinuntahan nya ko sa work malakas ang ulan, Nung dumalaw kami sa kanila malakas din ang ulan at Nung nagbakasyon ako sa kanila malakas rin ang ulan.. lagi nalang yatang umuulan sa tuwing magkasama kami.. bakit ba ganon? is that mean ayaw talaga ng langit sa relasyon naming dalawa? siguro nga.. kaya eto.. ang ulan ang isa sa mga dahilan ng pagkalungkot ko!

Ilang araw ng umuulan kaya ilang araw ko narin syang naaalala at napapanaginipan! Until when ba ako magkakaganito?? i know i was the one who made a decision to leave him.. i thought it was the best decision for us to live a life without each other.. pakiramdam ko kasi habang tumigil na ang mundo ng maging kami.. hindi na kami umandar in our own path.. hindi ko alam.. nagkamali ba'ko? hindi naman siguro dahil mataba ako ngayon.. nalulungkot lang talaga ako kapag umuulan.. hindi bale.. tumitigil rin naman ang ulan.. natatapos din ang tag-ulan..

Sunday, April 10, 2011

What do we mean to each other?


I'd rather know if you had turned the page

If you go faster than I do
Suddenly it's not so clear just what I am to you
Am I friend, am I lover, do we still need each other
When you touch me, when you touch me baby I can tell

What do we mean to each other, am I friend, am I lover is it over now
If this is it then why bother tell me where do we take it from here
What do we mean to each other am I friend ,am I lover, is it over now
Do you love me still or do you just mean well

I can see clearly how im hurting you
Every breath gives you a way
All we go on separate roads has gone in the way.
Am I friend, am I lover, do we still need each other
When you hold me, when you hold me baby I can tell

What do we mean to each other, am I friend, am I lover is it over now
If this is it then why bother tell me where do we take it from here
What do we mean to each other am I friend ,am I lover, is it over now
Do you love me still or do you just mean well

Time became a poison looking slowly on my home
Screwing all the memories, Is it tearing us apart
When you touch me, when you touch me baby I can tell

What do we mean to each other, am I friend, am I lover is it over now
If this is it then why bother tell me where do we take it from here
What do we mean to each other am I friend ,am I lover, is it over now
Do you love me still or do you just mean well

What do we mean to each other, am I friend, am I lover is it over now
If this is it then why bother tell me where do we take it from here
What do we mean to each other am I friend ,am I lover, is it over now
Do you love me still or do you just mean well

Do you love me still or do you just mean well

==================================

I’ts been a months.. but still, hindi parin malinaw ang lahat between us.. ano ba’ko sayo?? Gusto mo ba ko or hindi? Mga tanong na lagging naglalaro sa utak ko..

I really want to know if there will be “us”? yeah I know mali ang naging umpisa.. pero pwede naming itama hindi ba?

Kanina I asked you to kiss me for me to understand if I really to like/love you or gusto ko lang magkaroon ng iba para tuluyan ko syang makalimutan.. but you said “no” you don’t want to kiss me not because you don’t want but because you believe that I was just drunk! Ayaw kasi sabi gusto mo yung hindi ako nakainom.. then, I realized.. tama.. akala mo hindi ko alam yung mga nangyare between us last December dahil hindi na natin napag usapan.. but wrong.. alam ko lahat yun at very first place.. Bakit hindi mo’ko tanungin?.. nalilito ako.. naguguluhan.. what do we really mean to each other ba?? Hanggang kelan tayo ganto???

Wednesday, January 26, 2011

Are we??


its the first time we saw each other after what happened last Christmas.. Honestly saying i was afraid na makita ka.. I don't now what to do or how to react! Syempre.. there something happen between the two of us eh.. malay ko ba if tingin mo sakin eh malandi ako or easy to get.. pwedeng oo pwedeng hindi.. its really depend on how you will you look at me after what happened!

Nung dumating ka hindi ko alam kung pa'no na? lalo na ng tumabi ka sakin.. Bakit ba ganon? Inlove ba talga ko sayo or its just because of that kiss.. Kapag nandyan ka hindi ko alam ang gagawin.. Ang dami kong gustong sabihin or itanong pero when your around lahat un nawawala.. napapalitan ng kaba..

Tayo ba?? tanong ko sa sarili ko dahil sa actions mo.. Sinasabihan mo kong late na, umuwi na, at my work pa the next day.. ano ba? tayo ba?? gusto ko malaman.. kung hindi.. bakit ka ganyan sakin.. at kung oo.. bakit ka rin ganyan?? gusto ko malaman ang sagot.. but how???